"Great things start from small beginnings."
Ang mga naglalakihang puno na nagbibigay ng hininga sa ating naghihikahos na mundo ay sumibol galing sa pagkaliit-liit na buto na ipinunla sa lupa.

Lahat ng ito ay nagsisismula sa animo'y hindi kailang mga bagay ngunit nagbibigay ng pag-asa sa lahat.

Ito ang prinsipyong pinaniniwalaan ng isang grupo ng mag-aaral na naghahangad ng pagababago kahit sa simpleng hakbang upang sugpuin ang napakalaking problema ng mundo sa basura.

Hangad naming ibahagi ang aming kaalaman tungkol sa tamang paraan ng pagtatapon ng basura, paghihiwalay nito, masamang dulot ng hindi paghihiwalay sa basura at ang resulta nito sa mga bata upang sila masanay sa mga gawaing makakatulong sa pag-unlad ng bayan..
Sa isang maliit na nayon namin piniling isagawa ang pagbabahagi ng aming kaalaman at maging kabalikat ng iba na hinahangad din ang pagbabago. Mga batang paslit ang uana naming tinuruan dahil nais naming ipaintindi sa kanila na kahit sila'y bata pa ay maaari na nilang masagip ang mundo mula sa masamnag dulot ng hindi paghihiwalay ng basura.

Unang-una sa lahat, ititnuro namin na dapat nilang kilalanin ang kani-kanilang mga basura, kung ito ba ay nabubulok, di-nabubulok o pwedi pang mairecycle. Pinaintindi namin ang pagkakaiba ng anbubulok sa di-nabubulok
Isang pagtatanong matapos maisagawa ang pagbabahagi ng kaalaman:
Ang nabubulok ay mga bagay-bagay tulad ng mga tirang pagkain, dahon, tinik ng isda, pinagbalatan, at marami pang iba. Ang mga nabubulok ay ginagamit na pampataba sa lupa. Ang halimbawa ng mga di-nabubulok ay mga lata, plastik, bote, goma, styrofoam at mga katulad nito ay maaari pang irecycle, ibenta o gamiting muli ayon na rin kung kinakailangan.
Binalaan din namin ang mga bata na kung hindi nila ihihiwalay ang mga nabubulok sa di-nabubulok ay masama ang resulta nito. Maaaring magtambak at lalo pang dumami ang kanilang mga basura at magdudulot ito ng hindi maganda tulad ng mikrobyo at sakit,
Maganda, masaya at nakakalibang ang mahigit dalawang oras naming pagsasama ng mga batang nagnanais ng pagbabago. Maaaninag mo sa kanilang mga mukha ang kasiyahang makatulong para sa minamahal nilnag Inang Kalikasan. Pinatunayan ng mga paslit na ito na kahit sila’y munti pang turingan ay mayroon pa rin silang magagawa para sa kapaligiran
Padtatalakay ng mga masasamang epekto ng hindi pagkakaroon ng Wasate Segregation
Ang Plaza Heneral Santos, ang bagong pasyalan at park eng nasabing lungsod; huwaran sa kalinisan at kapayapaan ang sumunod na pinasyalan ng grupo. Hindi man maiwasan na may magkalat, tumulong naman ang inyong mga lingkod upang panatilihin ang magandang reputasyon nito. Namulot kami ng iilang nga basurangwala sa tamng lalagyan. Kinapanayam din namin ang mga bantay ng parke upang aming malaman ang kanilang tungkulin sa pagpapanatili ng kaayusan at kathimikan ng plaza.





Miyembro ng Grupo sa pagsasagawa ng aksyon bilang halimbawa para sa mga bata..
Lahat tayo ay may magagawa para sa pagsagip ng ating sariling tirahan, kailangan lang talaga ng aksyon upang isakatuparan ito. Kahit sa simpleng paghihiwalay ng basura mo, may magagawa ka na para sa pagbabago.